by Patrick Michael Balo
Demonyo. Satanas. Hudas.
Iyan ang ilan sa mga bansag sa kanya ng mga tao sa Publicis.
Di kasi s’ya masyadong palangiti. Tsaka medyo matalim ang dila niya, lalo na ‘pag nagkamali ka sa briefing mo sa kanya., o di kaya’y tatanga-tanga ka sa shoot o sa brainstorming.
Tsaka malas mo na lang ‘pag nabuyo ka niyang gumawa ng katarantaduhan. Walang katapusan ang kantyaw at pununukso na aabutin mo. Paulit-ulit pa niyang isasambulat sa mundo ng Publicis ang kahunghangan mo.
At pag nahanapan ka n’ya ng ka-love team, ‘wag ka na lang papalag. Isipin mo na lang na bagyo s’ya. Mas mabuti pang magtago ka na lang at manalangin na matapos na ito. Pag lumaban ka, lalo ka lang liliparin ng hangin.
Pero sa team namin, iba ang bansag namin sa kanya.
Sir. Pogi. BossTsip.
Kaibigan. Katuwang. Ka-agapay.
Karamay sa lungkot. Kabatak sa gulo. Kaakbay sa tuwa.
Ang kanyang mga ideya ay mas matalim pa sa espada ng samurai, ang kanyang mga mata ay parang mata ni Picasso pag dating sa komposisyon, ang kanyang pagmamahal sa trabaho ay mas mainit pa sa nagbabagang bulalakaw.
Dahil sa kanya, naging mas matatag kami bilang grupo. Dahil sa kanya, naging mas malalim kami bilang creatives. Dahil sa kanya, mas naging mapagmalasakit kami bilang mga nilalang ng Diyos.
Demonyo. Satanas. Hudas.
Kabarkada. Karamay. Kaibigan.
Marvs de Leon. Mami-miss ka namin, ‘pre.
Monday, March 30, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)